Back

ⓘ Adam Smith. Si Adam Smith ay isang Eskoses na pilosopong moral at ang nagpasimuno ng pampolitika na ekonomiya. Isa sa mga pigura sa intelektuwal na kilusang Sco ..



Adam Smith
                                     

ⓘ Adam Smith

Si Adam Smith ay isang Eskoses na pilosopong moral at ang nagpasimuno ng pampolitika na ekonomiya. Isa sa mga pigura sa intelektuwal na kilusang Scottish Enlightenment, pangunahing kilala siya bilang ang may-akda ng dalawang kasunduan: The Theory of Moral Sentiments, at An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations, mas kilala bilang The Wealth of Nations. Kilala din si Smith sa kanyang pagpapaliwanag ng kung papaano ang makatuwirang pagkamakasarili at kompetisiyon, na gumagana sa isang kayariang panlipunan na naninindigan sa moral na katungkulan, ay maaaring magbunga ng kabutihan at kaunlaran sa ekonomiya. Nakatulong ang kanyang mga gawa na lumikha ng makabagong pang-akademyang disiplina ng ekonomika at isa sa mga kilalang mga katuwiran sa malayang kalakalan. Malawakan siyang kilala bilang "ama ng ekonomika".

Pumasok si Smith sa University of Glasgow Pamantasan ng Glasgow sa gulang na labing-apat at nag-aral ng pilosopiyang moral sa ilalim ni Francis Hutcheson, na naging daan upang mahubog ang kanyang pasyon sa libertad, katuwiran, at malayang pamamahayag. Noong 1740, umalis si Smith sa University of Glasgow upang pumasok sa Balliol College, Oxford.

Magnum opus ni Smith ang The Wealth of Nations, at tinuturing ito bilang isa sa mga pinakamaimpluwensiyang aklat na nasulat.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →