Back

ⓘ Kanlurang Asya. Ang Kanlurang Asya ay ang timog-kanlurang bahagi ng Asya. Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arke ..



Kanlurang Asya
                                     

ⓘ Kanlurang Asya

Ang Kanlurang Asya ay ang timog-kanlurang bahagi ng Asya. Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga kasulatan tungkol sa arkeolohiya ang huling bahagi ng prehistory ng rehiyon. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig - ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na Moslem World at ikinakategorya bilang Arid Asya o bahagi ng Asya kung saan matatagpuan ang malalawak na disyerto at tuyong lugar mula Jordan tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran, at Afghanistan. Umaabot hanggang Pakistan at bahagi ng dating Gitnang Asya at Mongolia ang tinatawag na Arid Asia. Ang Kanlurang Asya ay bumubuo sa sangkatlo ng Asya, may sukatna nasa pagitan ng 6.5 at 9.8 milyong milya kwadrado.

Kinabibilangan ng mga bansa at teritoryo sa Timog-kanlurang Asya ang mga sumusunod:

  • Armenia
  • Iraq
  • Turkey
  • Oman
  • Qatar
  • Georgia
  • Azerbaijan
  • Syria
  • Saudi Arabia
  • Kuwait
  • Jordan
  • Israel
  • Bahrain
  • West Bank
  • United Arab Emirates
  • Gaza Strip
  • Iran
  • Lebanon
  • Yemen
  • Cyprus
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →