Back

ⓘ Parsing. Ang parsing o pagsuri ng salita ay ang proseso ng pagsuri ng isang string ng mga simbolo, sa likas na wika o sa mga wikang pamprograma, na sumusunod sa ..



                                     

ⓘ Parsing

Ang parsing o pagsuri ng salita ay ang proseso ng pagsuri ng isang string ng mga simbolo, sa likas na wika o sa mga wikang pamprograma, na sumusunod sa mga alituntunin ng isang pormal na balarila. Nagmula ang katawagang parsing mula sa Latin na pars, na nangangahulugang bahagi ng pananalita. Ang parsing may kaunting kaibahan sa kahulugan sa ibat-ibang sangay ng lingguwistika at ng agham pangkompyuter. Ang tradisyunal na pagpa- parse ng isang pangungusap ay kalimitang ginagawa bilang isang pamamaraan ng pag-intindi sa eksaktong kahulugan ng isang pangungusap, na may tulong galing sa mga aparato tulad ng mga banghay ng pangungusap. Ito ay kadalasan na nagbibigay-diin sa importansya ng mga dibisyon ng balarila tulad ng paksa at panaguri.

Sa lingguwistika ng kompyutasyon, ang parsing ay ginagamit upang sumangguni sa pormal na pagsusuri ng isang kompyuter ng isang pangungusap o lupon ng mga salita sa kanilang mga bahagi, na nagbubunga ng isang parse tree na nagpapakita ng kanilang relasyong palaugnayan, na maaari ding magkaroon ng impormasyong semantiko at iba pang impormasyon.

Ang parsing ay ginagamit din sa sikolingguwistika tuwing naglalarawan ng pagunawa ng wika. Sa kontekstong ito, ang parsing ay sumasangguni sa paraan ng pagsusuri ng mga tao sa isang pangungusap o parirala sa wikang pasalita o teksto "batay sa nasasakupan ng balarila, pagkilala sa mga bahagi ng pananalita, relasyong palaugnayan, atbp." Ang parsing ay karaniwang ginagamit tuwing tinatalakay kung ano ang naitutulong ng mga panglingguwistikang pahiwatig sa mga tagapagsalita upang maipaliwanag ang mga garden-path na pangungusap.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →