Back

ⓘ Psyche, sikolohiya. Sa sikolohiya o dalubisipan, ang psyche ˈsaɪki ay ang kabuuan ng isipang-tao, may malay man o hindi. Ang sikolohiya ay ang makaagham o masus ..



                                     

ⓘ Psyche (sikolohiya)

Sa sikolohiya o dalubisipan, ang psyche /ˈsaɪki/ ay ang kabuuan ng isipang-tao, may malay man o hindi. Ang sikolohiya ay ang makaagham o masusing pag-aaral ng isipan. Mahaba ang kasaysayan ng paggamit ng psyche sa sikolohiya at pilosopiya na nagmula pa noong sinaunang panahon, at kumakatawan ito isa sa mga pangunahing konsepto upang maunawaan ang katauhan mula sa makaagham na pananaw. Ang salitang Ingles na" soul” ay kadalasang nagagamit lalo na sa mga lumang sulatin sapagkat iisa lamang ang kanilang kahulugan.

                                     

1. Etimolohiya

Ang kahulugan ng griyegong salita na ψυχή psūkhē ay" buhay” na kaugnay sa salitang" hininga” mula sa pandiwang ψύχω psukhō," ihipan”. Ang salitang pinagmulan ay nangangahulugan din na" espiritu”," kaluluwa”," multo” at" sarili” na kaugnay sa katangiang kamalayan o" psyche”.

                                     

2. Sikolohiya noong sinaunang panahon

Ang ideya ng psyche ay napapalibot sa pilosopiya ni Plato. Sa kanyang Phaedo, nagbigay si Socrates ng apat na argumento ukol sa buhay na walang hanggan at pagsasakabilang buhay matapos ang paghihiwalay ng katawan at kaluluwa. Binaggit din ni Socrates na mas madali makamtan ang karunungan at maranasan ang teorya ng anyo ni Plato dahil hindi ito nahahadlangan ng pisikal na katawan ng tao.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →