Back

ⓘ Pagpapatupad ng batas. Ang pagpapapatupad ng batas ay ibang katawagan para sa pagtukoy sa hanapbuhay at gawain ng mga pulis o mga opisyal ng pulisya. Ang pagpap ..



Pagpapatupad ng batas
                                     

ⓘ Pagpapatupad ng batas

Ang pagpapapatupad ng batas ay ibang katawagan para sa pagtukoy sa hanapbuhay at gawain ng mga pulis o mga opisyal ng pulisya. Ang pagpapatupad ng batas ay maaari ring ang trabaho ng mga sundalo sa panahon ng mga emerhensiya. Naghahanapbuhay ang mga pulis upang tiyakin na sinusunod ng mga tao ang mga batas na ginawa ng mga politiko at ng mga hukom.

Sa malawak na pananalita, ang pagsasakatuparan ng batas ay ang anumang sistema kung saan ang ilang miyembro ng lipunan ay gumaganap sa isang maayos o organisadong paraan upang maipatupad ang batas sa pamamagitan ng pagtuklas, paghadlang, pag-udlot, rehabilitasyon, o pagpaparusa sa mga tao na lumalabag sa mga patakaran at mga pamantayan na sumasaklaw sa lipunang nabanggit. Bagaman ang kataga ay maaaring sumakop sa mga entidad na katulad ng mga hukuman at mga bilangguan, pinaka madalas na nilalapat ito sa mga tuwirang lumalahok sa pagpapatrolya o pagmamanman upang mapigilan at matuklasan ang mga gawaing kriminal, at ang mga nag-iimbistiga ng mga krimen at humuhuli sa mga lumabag sa batas. Bilang dagdag, bagaman ang pagpapatupad ng batas ay maaaring pinaka nakaukol sa pagpigil at pagpaparusa ng mga krimen, umiiral ang mga organisasyon upang pigilan ang isang malawak na kasamut-sarian ng mga paglabag sa mga patakaran at mga pamantayan na hindi kriminal, na maipatupad sa pamamagitan ng pagpapataw ng hindi matinding mga kahihinatnan o mga parusa.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →