Back

ⓘ Kognisyon. Sa agham, ang pagkaalam o kognisyon ng kaalaman ay isang pangkat ng mga prosesong pang-isipan na kinabibilangan ng pagpansin, alaala, ang paglikha at ..



Kognisyon
                                     

ⓘ Kognisyon

Sa agham, ang pagkaalam o kognisyon ng kaalaman ay isang pangkat ng mga prosesong pang-isipan na kinabibilangan ng pagpansin, alaala, ang paglikha at pag-unawa ng wika, pagkatuto, pangangatwiran, paglutas ng suliranin, at pagpapasya. Sari-saring mga disiplina, katulad ng sikolohiya, pilosopiya, lingguwistika, agham, at agham na pangkompyuter ang nag-aaral ng kognisyon. Subalit, ang paggamit ng kataga ay nagkakaiba-iba sa kahabaan ng mga disiplina; halimbawa, sa sikolohiya at sa agham na kognitibo, ang "kognisyon" ay karaniwang tumutukoy sa pananaw na isang proseso ng kabatiran ng mga tungkulin ng isang indibiduwal. Ginagamit din ito sa loob ng isang sangay ng sikolohiyang panlipunan na kung tawagin ay kognisyong panlipunan upang maipaliwanag ang kalooban o paraan ng pag-iisip, atribusyon, at dinamika ng mga pangkat.

Ang kognisyon ay isang pakultad o kakayahan para sa pagpoproseso ng impormasyon, paglalapat o paggamit ng kaalaman, at pagbago ng mga kanaisan o kagustuhan. Ang kognisyon, o mga prosesong kognisyon, ay maaaring maging likas o artipisyal, may malay o walang kamalayan. Ang mga prosesong ito ay sinusuri magmula sa ibat ibang mga diwa, natatangi na ang sa mga larangan ng lingguwistika, anestesia, neurolohiya, sikiyatriya, sikolohiya, antropolohiya, sistemika sistemiks, agham na pangkompyuter, at kredo pahayag ng pananampalataya o pananalig. Sa loob sikolohiya o ng pilosopiya, ang konsepto ng kognisyon ay malapit na may kaugnayan sa mga diwang abstrakto na katulad ng isipan at karunungan intelihensiya. Nasasaklawan nito ang mga tungkuling pang-isipan punksiyong mental, mga prosesong pang-isipan kaisipan at mga kalagayan ng mga entidad na may talino mga tao, mga pangkat na nagtutulungan, mga samahan ng tao, mga makinang matataas ang antas ng awtonomiya o kalayaan, at mga intelihensiyang artipisyal.

                                     

1. Etimolohiya

Ang salitang "kognisyon" ay nagbuhat sa pandiwang Latin na congnosco con mayroong + gnōscō pag-alam, na isa mismong hiram na salita mula sa sinaunang Griyegong pandiwa na gnόsko "γνώσκω" na may kahulugang pagkatuto pangngalan: gnόsis "γνώσις" = kaalaman, kung kayat ang kognisyon may malawak na kahulugang magkadiwa, maisadiwa o makilala.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →