Back

ⓘ Ekonomiks na pambayan. Ang ekonomiks na publiko, ekonomiks ng sektor na publiko, ekonomiks na pangmadla, o ekonomiks na pambayan ay ang pag-aaral ng patakaran n ..



Ekonomiks na pambayan
                                     

ⓘ Ekonomiks na pambayan

Ang ekonomiks na publiko, ekonomiks ng sektor na publiko, ekonomiks na pangmadla, o ekonomiks na pambayan ay ang pag-aaral ng patakaran ng pamahalaan sa pamamagitan ng lente ng kagalingan at karampatang pang-ekonomiya. Sa antas nitong pinakasaligan, ang ekonomiks na pambayan ay nagbibigay ng isang balangkas para sa pag-iisip patungkol sa kung ang pamahalaan ay dapat ba o hindi dapat na makilahok sa mga pamilihang pang-ekonomika at sa kung hanggang saan ba ang gampanin nito. Upang magawa ito, ginagamit ang teoriyang mikroekonomiko upang matantiya kung ang pamilihang pribado ay maaari talagang makapagbigay ng mahuhusay na mga resulta kapag wala ang pakikisangkot ng pamahalaan. Likas na ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng pagsusuri ng pagbubuwis at mga gastos ng pamahalaan. Ang paksang ito ay sumasaklaw sa maraming mga paksa na kinabibilangan ng mga pagkabigo ng pamilihan, mga pagkalabas, at ang paglikha at pagpapatupad ng patakaran ng pamahalaan. Ang ekonimiks na pambayan ay nagbubuo magmula sa ekonomiks na pangkapakanan at talagang ginagamit bilang isang kasangkapan upang mapainam ang kapakanan ng lipunan.

Kabilang sa mga paraan at paksang pangmalawakan ang:

  • pagsusuri ng pagkabigo ng pamilihan at kabiguan ng pamahalaan.
  • pagsusuri at disenyo ng patakarang pampubliko"
  • mga epekto ng distribusyon ng pagbubuwis at gastos ng pamahalaan
  • toeriya ng pananalaping publiko at ang paggamit o paglalapat nito

Ang pagbibigay ng diin ay nasa mga paraang pampagsusuri at pang-agham at pagsusuring pangpamantayan at pang-etika normatibo at etikal, na maipagkakaiba magmula sa ideolohiya. Ang mga halimbawa ng paksang nasasakop ay ang pagkakataon ng buwis, pagbubuwis na optimal, at ang teoriya ng kalakal na pangmadla.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →