Back

ⓘ Ekonomiks na pangkaunlaran. Ang ekonomiks na pangkaunlaran o ekonomiks na pampag-unlad ay isang sangay ng larangan ng ekonomika na humaharap sa mga aspetong pan ..



Ekonomiks na pangkaunlaran
                                     

ⓘ Ekonomiks na pangkaunlaran

Ang ekonomiks na pangkaunlaran o ekonomiks na pampag-unlad ay isang sangay ng larangan ng ekonomika na humaharap sa mga aspetong pang-ekonomiya ng proseso ng kaunlaran sa mga bansang mababa ang kita. Hindi lamang ito nakatuon sa mga paraan ng pagtataguyod ng paglago ng ekonomiya at pagbabagong pangkayarian subalit gayundin sa pagpapainam ng potensiyal para sa masa ng populasyon, halimbawa na ang sa pamamagitan ng mga kalagayan ng kalusugan, edukasyon at pook ng hanapbuhay, sa pamamagitan man ng mga pinagmumulang publiko o pribado.

Kasangkot sa ekonomiks na pangkaunlaran ang paglikha ng mga teoriya at mga metodo na nakakatulong sa pag-alam o determinasyon ng mga patakaran at mga gawain, at maaaring isakatuparan sa kahit na antas na domestiko o internasyunal. Maaari itong kasangkutan ng muling pagbubuo ng kayarian ng mga insentibong pampamilihan o ng paggamit ng mga paraang pangmatematika na katulad ng optimisasyong intertemporal; para sa pag-aanalisa ng proyekto, o maaari itong kasangkutan ng isang kahaluan ng mga paraang pandami kuwantitatibo o kuwalitatibo.

Hindi tulad ng maraming iba pang mga larangan ng ekonomiks, ang mga pagharap na nasa loob ng ekonomiks na pangkaunlaran ay maaaring magpaloob ng mga bagay na panlipunan at pampolitika upang makagawa ng partikular na mga plano. Gayundin, katulad ng iba pang mga larangan na pang-ekonomiks, walang pagkakasundu-sundo hinggil sa kung ano ang dapat na matutunan o malaman ng mga mag-aaral. Ang ibat ibang mga pagharap ay maaaring magsaalang-alang ng mga bagay na makapag-aambag sa pagtatagpong pang-ekonomiya o hindi pagtatagpo sa kahabaan ng mga kabahayan, mga rehiyon, at mga bansa.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →