Back

ⓘ Lingguwistikang pang-antropolohiya. Ang lingguwistikang pang-antropolohiya o lingguwistikang antropolohikal ay ang pag-aaral ng ugnayan na nasa pagitan ng wika ..



                                     

ⓘ Lingguwistikang pang-antropolohiya

Ang lingguwistikang pang-antropolohiya o lingguwistikang antropolohikal ay ang pag-aaral ng ugnayan na nasa pagitan ng wika at kultura at ang ugnayan sa pagitan ng biyolohiyang pantao, pagtalos at wika. Malakas nitong napapatungan ang larangan ng antropolohiyang lingguwistika, na sangay ng antropolohiya na nagsasagawa ng pag-aaral ng mga tao sa pamamagitan ng mga wikang ginagamit nila. Anumang ang maging tawag sa larangang ito, ang larangan ay nagkaroon ng isang malaking impluwensiya sa mga pag-aaral ng mga pook na katulad ng persepsiyong biswal at demokrasyang biyorehiyonal, na kapwa nakatuon sa pagkakaiba na nagawa sa mga wika hinggil sa pag-unawa ng mga kapaligiran.

Ang kumbensiyonal o makatradisyong lingguwistikang antropolohikal o kaya ang antropolohiyang lingguwistika ay mayroon ding mga implikasyon o epekto sa sosyolohiya at organisasyon ng sarili pagsasaayos ng sarili ng mga tao. Ang pag-aaral sa mga taong Penan, halimbawa, ay naglantad ang kanilang wika ay gumagamit ng anim na magkakaiba at bukod na mga salita na ang pinaka mahusay na salinwika ay katumbas ng "tayo" o "kami". Pinag-aaralan ng lingguwistikang pang-antropolohiya ang mga kaibahang ito, at iniuugnay ang mga ito sa mga uri ng lipunan at sa talagang pangkatawan na adaptasyon pakikibagay sa mga pandama, na kapantay ng pag-aaral nito ng mga pagkakaiba na ginawa sa mga wika na patungkol sa mga kulay ng bahaghari: ang pagkakita ng gawi na tumaas ang pagiging sari-sari ng mga kataga bilang katibayan na mayroong mga pagkakaiba na dapat gawin ng mga katawan nasa kapaligirang ito, na humahantong sa nakalagak na kaalaman at marahil ng isang nakalagak na etika, na ang pinal o panghuling katibayan ay ang may pagkakaibang mga pangkat ng mga kataga na ginagamit upang ipahiwatig ang mga salitang "kami" o "tayo".

Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Antropolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →