Back

ⓘ Araling Ingles. Ang araling Ingles ay isang disiplinang pang-akademiya na kinabibilangan ng pag-aaral sa mga panitikan na nasa wikang Ingles, lingguwistikang In ..



                                     

ⓘ Araling Ingles

Ang araling Ingles ay isang disiplinang pang-akademiya na kinabibilangan ng pag-aaral sa mga panitikan na nasa wikang Ingles, lingguwistikang Ingles, at sosyolingguwistikang Ingles. Pangkaraniwan sa mga kagawarang pang-akademiya ng "Ingles" o "araling Ingles" na ibilang ang mga iskolar ng wikang Ingles, panitikang Ingles, araling makapook natatangi na ang araling Amerikano, teatro, araling pangkasarian/araling etniko, midyang dihital/paglalathalang elektroniko, araling pampelikula/araling pangmidya, retoriko at pilosopiya/etimolohiya, at sari-saring mga kurso sa sining na liberal at araling pantao, sa piling ng iba pa.

Sa karamihan ng mga bansang nagwiwika ng Ingles, ang mga dimensiyon na pampanitikan at pangkultura ng araling Ingles ay karaniwang isinasagawa sa mga kagawaran ng Ingles ng mga pamantasan, habang ang pag-aaral ng mga tekstong nalikha sa mga wikang hindi Ingles ay nagaganap sa ibang mga departamento, katulad ng mga kagawaran ng wikang dayuhan o panitikang pinaghahambing. Ang lingguwistikang Ingles ay kadalas pinag-aaralan sa nakahiwalay na mga kagawaran ng lingguwistika. Ang kahatiang ito na pang-interdisiplina sa pagitan ng isang nangingibabaw na oryentasyong lingguwistika o pampanitikan ay isang motibasyon para sa paghahati ng Modern Language Association MLA ng Hilagang Amerika upang maging dalawang subgrupo o kabahaging mga pangkat. Sa mga pamantasan na nasa mga bansang hindi nagsasalita ng Ingles, ang katulad na kagawaran ay madalas na sumasakop sa lahat ng mga aspekto ng araling Ingles na kabilang ang lingguwistika: ito ay isinasalamin, bilang halimbawa, sa kayarian at mga gawain ng European Society for the Study of English ESSE.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →