Back

ⓘ Makabagong kasaysayan. Ang makabagong kasaysayan o modernong kasaysayan ay ang kasaysayan ng Makabagong Kapanahunan. Ang simula ng kasaysayan ng makabagong pana ..



Makabagong kasaysayan
                                     

ⓘ Makabagong kasaysayan

Ang makabagong kasaysayan o modernong kasaysayan ay ang kasaysayan ng Makabagong Kapanahunan. Ang simula ng kasaysayan ng makabagong panahon ay nasa pagkalipas ng Panahong Panggitna. Ang makabagong kapanahunan ay tinatayang nagsimula sa ika-16 daantaon. Na nasundan ng pagtukoy sa kasaysayan ng daigdig magmula sa pagdating ng Panahon ng Katwiran at ng Panahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon at sa pag-uumpisa ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang makabagong kasaysayan ay mahahati pa sa maagang makabagong kapanahunan at sa hulihan ng makabagong kapanahunan pagkalipas ng Himagsikang Pranses at ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang kasaysayang kontemporaryo ay naglalarawan sa maikling panahon ng mga kaganapang pangkasaysayan na kaagad na may kaugnayan sa pangkasalukuyang kapanahunan.

Maraming mga pangunahing kaganapan ang nagsanhi na magbago ang Europa sa pagsapit ng ika-15 hanggang sa ika-16 mga daantaon, na nagsimula sa Pagbagsak ng Konstantinople noong 1453, sa pagbagsak ng Muslim na Espanya at sa pagkakatuklas ng Kaamerikahan noong 1492, at sa Repormasyong Protestante ni Martin Luther noong 1517. Sa Inglatera, ang makabagong kapanahunan ay madalas na pinepetsahan sa simula ng kapanahunan ng Tudor sa pagtatagumpay ni Henry VII laban kay Richard III doon sa Labanan ng Bosworth noong 1485. Ang kasaysayan ng maagang makabagong Europa ay kadalasang tinatanaw na sumasaklaw magmula sa ika-14 hanggang sa ika-15 mga daantaon, hanggang sa Panahon ng Katwiran at sa Panahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon, hanggang sa pagsisimula ng Rebolusyong Pang-industriya noong kahulihan ng ika-18 daantaon.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →