Back

ⓘ Pagkakaibang pangkasarian sa tao. Ang pagkakaibang pangkasarian o kaibahang pangkasarian ay isang kaibahan ng mga katangiang pambiyolohiya ato pisyolohikal na m ..



Pagkakaibang pangkasarian sa tao
                                     

ⓘ Pagkakaibang pangkasarian sa tao

Ang pagkakaibang pangkasarian o kaibahang pangkasarian ay isang kaibahan ng mga katangiang pambiyolohiya at/o pisyolohikal na may kaugnayan sa kalalakihan o sa kababaihan ng isang espesye. Maaari itong ilang mga uri, kabilang na ang tuwiran at hindi tuwiran. Ang tuwirang uri ay ang tuwirang resulta ng mga pagkakaiba na inaatas ng kromosomang Y, at ang hindi tuwiran ay ang katangiang hindi tuwirang naimpluwensiyahan ng kromosomang Y. Ang Dimorpismong seksuwal ay isang kataga para sa penotipikong kaibahan sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae ng magkatulad na mga espesye.

Ang tuwirang kaibahang pangkasarian ay sumusunod sa isang distribusyong binaryo. Sa pamamagitan ng proseso ng meiosis at pertilisasyon na may bihirang mga eksepsiyon, ang bawat indibidwal ay nalilikha na may wala o may isang kromosomang Y. Ang resultang kumplementaryo para sa kromosomang X, na maaaring dalawa o mag-isang X. Kung gayon, ang tuwirang pagkakaiba ng kasarian ay karaniwang binaryo o dalawahan sa paglalahad bagaman ang mga paglihis sa masasalimuot na mga prosesong biyolohikal ay nakagagawa ng isang kalipunan ng mga pagliliban o eksepsiyon. Kabilang dito, na pinaka kapuna-puna, ang mga gonad ng lalaki laban sa ng babae.

Ang hindi tuwirang mga pagkakaibang pangkasarian ay pangkalahatang kaibahan sa klase, na tiniyak ang dami ng datong empirikal at analisis na pang-estadistika. Ang mga pinaka kakaibang mga katangian ay aalinsunod sa pagpapamudmod na kurba ng kampana iyong tinatawag na normal na maaaring malawakang mailalarawan sa pamamagitan ng mean o panggitnang karurukan ng pagkakapamudmod at pampamantayan o saligan paglihis debyasyon, palatandaan ng sukat o laki ng sakop. Sa kadalasan, tanging ang mean o kaibahan ng kagitnaan lamang sa pagitan ng mga kasarian ang ibinibigay. Maaari o hindi ito maaaring magpauna sa pagpapatung-patong pagsasalabat-salabat ng mga pagpapamahagi. Halimbawa, sa pangkaraniwan, ang mga lalaki ay mas matangkad kaysa sa mga babae, ngunit ang isang babaeng indibidwal ay maaaring mas matangkad kaysa sa isang lalaking indibidwal.

Ang pinaka halatang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae ay kinabibilangan ng lahat ng mga tampok na may kaugnayan sa gampaning pangreproduksiyon, natatangi na ang mga sistemang endokrin hormonal at ang kanilang mga epektong pampisyolohiya at pangkaasalan, kasama na ang mga kaibahang panggonad, panloob at panlabas na mga pagkakaibang panghenitalya at pangsuso pangdibdib, ang pagkakaiba o diperensiyasyon ng masa bunton o salansan ng mga masel, taas, at pagkalat ng buhok.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →