Back

ⓘ Likas na kasaysayan. Ang likas na kasaysayan o kasaysayang pangkalikasan ay ang makaagham na pananaliksik ng mga halaman at mga hayop, na mas nakakiling patungo ..



Likas na kasaysayan
                                     

ⓘ Likas na kasaysayan

Ang likas na kasaysayan o kasaysayang pangkalikasan ay ang makaagham na pananaliksik ng mga halaman at mga hayop, na mas nakakiling patungo sa mga paraan ng pag-aaral na pang-obserbasyon sa halip na pang-eksperimento, at mas sumasaklaw sa mga pananaliksik na nalathala sa mga magasin kaysa sa mga diyaryong pang-akademya. Ipinangkat sa piling ng mga likas na agham, ang likas na kasaysayan ay isang masistemang pag-aaral ng anumang kategorya ng likas na mga bagay o mga organismo. Iyan ay isang napakalawak na kapangalanan o designasyon sa loob ng isang mundo puno ng maraming mga disiplinang may kakitiran ang pagtutuon. Kung kayat habang ang modernong likas na kasaysayan ay maipepetsang pangkasaysayan na nagmula sa mga pag-aaral sa sinang mundong Greko-Romano at midyibal na mundong Arabo hanggang sa nagkalat ngunit magkakalayo at magkakabukod na mga siyentipiko noong panahon ng Renasimyento sa Europa, ang larangan sa kasalukuyan ay mas isang pangunahing disiplinang nagtatawiran ng maraming mga agham na pang-espesyalidad. Halimbawa na, ang heobiyolohiya may isang malakas at likas na katangiang multidisiplinaryo na nagsasama-sama ng mga siyentipiko at kaalamang pang-agham ng maraming mga agham na pang-espesyalidad. Ang isang taong nag-aaral ng likas na kasaysayan ay tinatawag na naturalista o pangkalikasang manunulat ng kasaysayan.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →