Back

ⓘ Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay ang layunin ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o ng mga seks, na nagmumul ..



Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian
                                     

ⓘ Pagkakapantay-pantay ng mga kasarian

Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay ang layunin ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian o ng mga seks, na nagmumula sa paniniwala sa kawalan ng katarungan na may ibat ibang anyo ng hindi pagkakapantay-pantay sa kasarian.

                                     

1. Konsepto

Ang kilusang naglalayon ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, lalo na sa mga Kanluraning bansa, ay nagsimula sa mga kilusang suffragette noong huling ika-19 siglo. Nagresulta ito ng pagbabago na may kinalaman sa karapatan ng mga kababaihan sa pagmamay-ari pagkatapos ikasal. Tingnan ang halimbawa, Married Womens Property Act 1882. Noong 1960s, nabuo ang isang mas pangkalahatang kilusan para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian batay sa peminismo at sa pagkakaroon ng kalayaan para sa kababaihan. Gayunman, ang aktwal na mga pagbabago sa mga pananaw ay patuloy na tumutok sa mga partikular na mga isyu.

Ang kilusan ay nagdulot ng mga pagbabago sa mga batas na may kaugnayan sa isang partikular na isyu o mga batas na anti-seks na nagreresulta ng hindi pagkakapantay-pantay. Sa larangan ng edukasyon, nagkaroon ng kultural na pagbabago sa pagtingin sa pagkakapantay-pantay ng oportunidad para sa mga lalaki at mga babae. Ang ilang mga pagbabago ay dumating sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga umaayong mga patakaran sa pagkilos. Ang pagbabago ay kinabibilangan din ng mga pagbabago sa mga panlipunang pananaw, kabilang ang "pagkakapantay ng kabayaran sa magkakapantay na trabaho" pati na rin ang pagkakaroon ng pantay na bilang ng trabaho sa mga kalalakihan at kababaihan sa maraming mga bansa. Halimbawa, maraming mga bansa ngayon ang nagpapahintulot sa mga kababaihan na maging sundalo, pulis o bumbero. Gayundin, tumataas ang bilang ng mga kababaihan na aktibo sa politika at humahawak ng mataas na posisyon sa mundo ng negosyo.

Sa kabilang banda, tumataas naman ang bilang ng mga kalalakihang nagtatrabaho sa mga larangang noong sinaunang henerasyon ay itinuturing na pambabae, tulad ng narsing. Gayundin, sa tahanan, habang tinatanggap ang bayolohikal na pagkakaiba sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan, higit na kapansin-pansin na ang papel ng pagpapalaki ng bata ay hindi na itinuturing na ekslusibo sa mga kababaihan. Isa pang manipestasyon ng pagbabago sa panlipunang pananaw ay ang di-pilit na pagkuha ng babae ng apelyido ng kanyang asawa matapos ang kasal, pati na rin ang abilidad ng isang babae na ipagpatuloy ang kanyang karera o trabaho pagkatapos ng kasal.

Maraming mga tao, peminista man o hindi, ang hindi pa rin lubusang tanggap na nakamit na ang mga layunin ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, lalo na sa mga di-Kanluraning bansa. Isa sa mga pinagtatalunang isyu na may kaugnayan sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa simbahang Kristiyano, at mga babaeng pari. Ang mga isyung katulad nito ay nagdulot ng pagkakawatak-watak ng ilang mga simbahan.

Hindi lahat ng mga ideya para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian ay tinanggap ng nakararami. Halimbawa, ang mga kilusan para sa karapatang pangkalayaan ay nananatiling isang isyung mardyinal, bagaman ang karapatan sa pagpapasuso sa mga pampublikong lugar ay tinatanggap. Gayunman, ang mga kababaihang yumayakap sa pornograpiya at iba pang "anti-social" na pag-uugali na sa ilang pagkakataon ay iniuugnay sa mga grupo ng kalalakihan, ay malawakang tinutuligsa.

                                     

2. Pagsisikap upang labanan ang hindi pagkakapantay-pantay

Ipinapakahulugan ng mga pandaigdigang organisasyon ang "gender equality" sa mga tuntunin ng mga karapatang pantao, lalo na sa mga karapatan ng kababaihan, at pagpapaunlad ng ekonomiya. Binibigyang-kahulugan ng UNICEF ang "pagkakapantay-pantay ng mga kasarian" bilang "pagpapantay sa lebel ng kababaihan, bata man o matanda, sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng mga bata may pantay na pagkakataon na hubugin ang kanilang mga talento."

Ang United Nations Population Fund ay nagpahayag na ang mga kababaihan may karapatan sa pagkakapantay-pantay. Ang "gender equity" ay isa sa mga layunin ng United Nations Millennium Project,upang tapusin ang pandaigdigang kahirapan sa 2015; isinasaad sa proyekto, "Ang bawat isang layunin ay direktang may kinalaman sa karapatan ng mga kababaihan, at sa lipunan kung saan ang mga kababaihan ay hindi nabibigyan ng pantay na karapatan na nagdudulot sa tao ng maaaring hindi kailanman pagkamit ng pag-unlad sa isang pangmatagalan na paraan."

Kaya, ang pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian ay makikita bilang isang motibasyon sa mas higit na kaunlarang pang-ekonomiya. Halimbawa, ang mga bansa sa Arabya na hindi ipinagkakaloob ang pantay na oportunidad sa mga kababaihan ay binigyan ng babala sa isang 2008 United Nations-sponsored na ulat na ang pagkakait ng kapangyarihang ito ay isang kritikal na kadahilanan na pumipigil sa panunumbalik ng mga bansang ito sa unang ranggo ng mga pandaigdigang lider sa komersyo, edukasyon at kultura.

Noong 2010, binuksan ng European Union ang European Institute for Gender Equality EIGE sa Vilnius, Lithuania upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at upang labanan ang diskriminasyong sekswal.

                                     

3. Tingnan din

General issues

  • Egalitarianism
  • Gender mainstreaming
  • Feminism
  • Sex and gender distinction
  • Right to equal protection
  • Complementarianism

Other related topics

  • Global Gender Gap Report
  • Womens Equality Day
  • International Mens Day
  • Potty parity
                                     

3.1. Tingnan din General issues

  • Egalitarianism
  • Gender mainstreaming
  • Feminism
  • Sex and gender distinction
  • Right to equal protection
  • Complementarianism
                                     

3.2. Tingnan din Specific issues

  • Gender sensitization
  • Matriarchy
  • Baháí Faith and gender equality
  • Quaker Testimony of Equality
  • Female education
  • Mixed-sex education
  • Gender Parity Index in education
  • Patriarchy
  • Women in Islam
  • Female economic activity
                                     

3.3. Tingnan din Organizations and ministries

  • Committee on Womens Rights and Gender Equality European Parliament
  • Centre for Development and Population Activities
  • Philippine Commission on Women Philippines
  • European Institute for Gender Equality
  • Afghan Ministry of Women Affairs Afghanistan
  • Gender Empowerment Measure, a metric used by the United Nations
  • Total E-Quality Germany
  • Ministry of Integration and Gender Equality Sweden
  • Government Equalities Office UK
  • International Center for Research on Women
  • Gender-related Development Index, a metric used by the United Nations
  • Christians for Biblical Equality
  • Ministry of Women, Family and Community Development Malaysia
  • Equal Opportunities Commission UK
                                     

3.4. Tingnan din Other related topics

  • Global Gender Gap Report
  • Womens Equality Day
  • International Mens Day
  • Potty parity
                                     

4. Panlabas na mga link

  • GENDERNET, International forum of gender experts working in support of gender equality. Development Co-operation Directorate of the Organisation for Economic Co-operation and Development Co-operation Directorate of the Organisation for Economic Co-operation and Development
  • HillarysVillage, on the relationship between gender equality, the rule of law and the United Nations.
  • The Local Gender equality in Sweden news collection
  • United Nations Rule of Law: Gender Equality, on the relationship between gender equality, the rule of law and the United Nations.
  • Gender and the Built Environment Database about gender and the built environment
  • Gender Equality Tracker
  • Gender at the OECD Development Centre, gender activities at the OECD Development Centre
  • Sexual Equality and Romantic Love
  • Womens Empowerment, the United Nations Development Programs Gender Team
  • Women Leadership: Yes she can!
  • Return2WorkMums For women returners to the workplace
  • Gender and Work Database
  • Sexism Discussion Group
  • Women Can Do It!
  • WomenWatch, the United Nations Internet Gateway on Gender Equality and Empowerment of Women
  • Gender Equality as Smart Economics World Bank
  • The OneWorld Guide to Gender Equality
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →