Back

ⓘ Pagbago ng kasarian. Ang pagbabago ng kasarian o sex change ay isang kataga na madalas na ginagamit para sa gender reassignment therapy. Ang lahat ay medikal na ..



                                     

ⓘ Pagbago ng kasarian

Ang pagbabago ng kasarian o sex change ay isang kataga na madalas na ginagamit para sa gender reassignment therapy. Ang lahat ay medikal na pamamaraan ng transgender na maaaring magkaroon ang isang tao. Ang sexual reassignment surgery ay karaniwang tumutukoy sa pagtitistis ng pag-aari ng lalaki o babae. Ito rin ay minsang ginagamit sa mga medikal na pamamaraan ng mga taong intersexual, o, mas madalas, ay sabjected bilang mga bata.

Ang sex change rin ay ginagamit sa buong proseso ng pagpapalit ng kasarian, sa papel na ginagampanan at ang mga medikal na pamamaraan na kaugnay nito. Ang pagpapalit ng kasarian tulad ng buhay na gaya ng babae sa halip ng pamumuhay bilang isang lalake, o buhay na gaya ng isang lalake sa halip ng pamumuhay bilang isang babae, ay mas mahalaga sa halos lahat ng transgendered kaysa sa anumang medikal na pamamaraan. Ang pagsasagawa nito ay hindi tumpak.

                                     

1. Pagbabago ng kasarian sa hayop

May mga espesyal na pangyayari sa ilang mga uri ng hayop, tulad ng clownfish, ang kilala sa pagbabago ng kasarian kabilang ang mga tungkuling pan-reproduktibo. Ang isang grupo ng clownfish ay madalas na binubuo ng hierarkiya na kung saan may isang babaeng isda sa itaas. Kapag siya ay namatay, ang pinaka- nangingibabaw na lalaking isda ang magbabago ng kasarian at pumapalit sa kanyang papel na ginagampanan. Tingnan ang salitang hermaphrodite para sa karagdagang mga detalye.

                                     

2. Pagbabago ng kasarian sa tao

Maraming tao rin ang naniniwala na ang pagbabago ng kasarian ay mali. Ang kasarian ng tao ay karaniwang natutukoy sa apat na kadahilanan:

  • Gonads ovaries at / o testicles
  • Pangunahing katangian ng kasarian, minsan ay sa pangalawang katangian ng kasarian
  • Katayuan o status ng hormone
  • Chromosomes

Hindi lahat ng mga kadahilanang ito ay maaaring palitan o baguhin, gayunpaman:

  • Ang pangalawang katangian ng kasarian ay maaaring baguhin.
  • Ang hormone status ay madaling baguhin.
  • Ang gonads ay maaaring alisin ngunit hindi maaring palitan.
  • Ang chromosomes ay hindi mababago.

Halos lahat ay sa pamamagitan ng operasyon. Ang iba ay maaaring manggaling sa pagkakaroon ng bagong hormones. Halimbawa: Ang pagpapalit ng isang male genital anatomy sa isang babae, kahit kumplikado ay lubos na posible. Samantala, ang pagbabago ng isang f emale genital anatomy sa isang lalake ay lubhang kumplikado at madalas hindi matagumpay. Ang mga galaw ng pagkalalake ay limitado.

Ang gender reassignment ay karaniwang pinapangunahan ng feminisasiyon o masculinisasiyon. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng artipisyal o natural na hormones. Karaniwan, dalawang taon ang gugugulin bago ang gender reassignment ayon sa WPATH standards of care. Ang pagbabago ng mga hormones sa katawan ay nagsisimula pagkatapos ng counseling o pagsasabuhay ng napiling kasarian ng tatlong buwan o higit pa.

                                     

3. Natural na pagbabago sa kasarian ng tao

Maraming mga medikal na kondisyon ang maaaring magresulta sa natural na pagbabago ng kasarian ng tao, na kung saan ang itsura noong kapanganakan ay medyo, o ganap ng isa ang uri ng kasarian. Ngunit, maaring mabago ito sa paglipas ng panahon, maaring konti o ganap ang pagbabago nito sa ibang kasarian. Ang mga ganitong pagbabago ay mula sa babaeng itsura noong kapanganakan hanggang sa maging lalake na ang anyo pagkatapos ng puberty stage. Ito ay dahil sa alinmang kakulangan sa 5-alpha-reductase 5alpha-RD-2 o 17-beta-hydroxysteroid dehydrogenase 17beta-HSD-3. Ang mga pagbabago ng kasarian ng lalake sa pagiging babae ay iniulat, at ang etiologies ng mga ito ay hindi rin naiintindihang mabuti.

                                     

4. Mga sanggunian

  • ^ Bertelloni S, Maggio MC, Federico G, Baroncelli G, Hiort O September 2006. "17β-hydroxysteroid dehydrogenase-3 deficiency: a rare endocrine cause of male-to-female sex reversal". Gynecol. Endocrinol. 22 9: 488–94. doi:10.1080/09513590600921358. PMID 17071532.
  • ^ Khan U 2008-07-02. "Father of five naturally turning into a woman". Daily Telegraph UK.
  • ^ Salt D, Brain Z June 2007. "Intersex: Case studies". Cosmos 15.
  • ^ Pfäfflin F, Junge A 2003. Sex reassignment thirty years of international follow-up studies after sex reassignment surgery: a comprehensive review, 1961–1991. International journal of transgenderism. Symposion: Düsseldorf. OCLC 244295488.
  • ^ "Nemo Meets Neuroscience" Article. Beckman Institute. Retrieved 2011-03-21.
  • ^ "Explorers Guide: Anemone Clownfish" Article. Shedd Aquarium. Retrieved 2011-01-04.
  • ^ Cohen-Kettenis PT August 2005. "Gender change in 46,XY persons with 5α-reductase-2 deficiency and 17β-hydroxysteroid dehydrogenase-3 deficiency". Arch Sex Behav 34 4: 399–410. doi:10.1007/s10508-005-4339-4. PMID 16010463.
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →