Back

ⓘ Pandalawahang kasarian. Huwag itong ikalito sa biseksuwalidad, ang pagkaakit ng tao sa dalawang kasarian. Ang Pandalawahang kasarian ay naglalarawan ng isang te ..



Pandalawahang kasarian
                                     

ⓘ Pandalawahang kasarian

Huwag itong ikalito sa biseksuwalidad, ang pagkaakit ng tao sa dalawang kasarian.

Ang Pandalawahang kasarian ay naglalarawan ng isang tendensiya na lumipat sa pagitan ng pambabae at panlalaki na ugaling-pangkasarian depende sa konteksto, na nagpapahayag ng isang tiyak na "en femme" at isang tiyak na "en homme" na persona, pambabae at panlalake ayon sa pagkakabanggit. Ito ay kinikilala ng APA bilang isang subset ng grupong transgender. Habang pinapanatili ng isang androgynous na tao ang kaayon nitong ugaling-pangkasarian sa kabuuan ng sitwasyon, ang bigendered na tao ay sadya o di-sadyang nagbabago ang kanilang pag-uugaling gender-role mula sa primarya panlalaki o primarya pambabae, o bisebersa.

                                     

1. Paggamit ng mga kataga

Mahalagang punahin na ang konseptong ito ay lumitaw mula sa loob mismo ng transgender na komunidad, sa halip na hinango ito pagkatapos na ito ay nilikha ng ibang sub-kultura halimbawa, ang transsexual ay unang tinukoy ng komunidad ng mental health. Dahil ang bigender ay isa pa ring self-applied na bansag, hindi posibleng magbigay ng isang depinitibo na balangkas ng mga tipikal na bigendered na tao. Anumang paglalarawan ng isang bigendered na tao ay isang halimbawa lamang ng kung sino mang nanagpapakilala bilang bigender maaaring gusto. Kahit na may mga pattern, ang tanging solidong katangian ay ang katuturan ng dual gender.

                                     

2. Seksuwal na oryentasyon

Maaaring magmukha na ang isang bigender na identidad ay dapat kasabay sa pagkakaroon ng isang bisekswal pagkakakilanlan ngunit ang gender identity at sexual orientation ay bukod. Posible maging bigender at hindi bisekswal, o bisekswal ngunit hindi bigender. Para sa ilang mga bigender na tao, ang mga bansag tulad ng bakla, lesbiyana o bisekswal ay maaaring hindi nauugnay o kasiya-siya dahil sa kanilang pokus sa pisyolohikal na ari. Maaaring mas gugustuhin ng iba ang termino na tumutukoy sa kasarian tingnan Gynephilia at androphilia habang ang iba ay mas pipiliin na hindi tukuyin ang isang sexual orientation sa anumang paraan. Dahil ang bigender ay isang gender-related na termino, at hindi terminong erotika, ang isang bigender na tao ay siyempre maaari maging asekswal.

                                     

3. Mga sanggunian

  • Clements, K. San Francisco Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan, 1999
  • Schneider, M., et al. APA Task Force on Gender Identity, Gender Variance, and Intersex Conditions, 2008
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →