Back

ⓘ Heograpiyang pangkalinangan. Ang heograpiyang kultural, kilala rin bilang heograpiyang pangkalinangan o heograpiyang pangkultura, ay isang kabahaging larangan n ..



Heograpiyang pangkalinangan
                                     

ⓘ Heograpiyang pangkalinangan

Ang heograpiyang kultural, kilala rin bilang heograpiyang pangkalinangan o heograpiyang pangkultura, ay isang kabahaging larangan ng heograpiyang pantao. Isa itong pag-aaral ng mga produktong pangkalinangan at mga kalakaran, pati na baryasyon ng mga ito, sa kahabaan nito. Pinag-aaralan rin sa larangang ito ang mga puwang o espasyo at mga lugar o pook. Nakatuon ito sa paglalarawan at pagsusuri ng mga paraan nag-iiba o nananatiling hindi nagbabago ang wika, relihiyon, ekonomiya, pamahalaan at iba pang mga penomenang pangkultura, mula sa isang lugar papunta sa iba. Nakatuon din ito sa pagpapaliwanag kung paano gumagalaw ang mga tao sa isang puwang o pook.

Sa madaling sabi, ang heograpiyang kultural ay ang pag-aaral ng mga kultura, mga kaugalian o kostumbre mga kinamihasnan, pananamit, musika, arkitektura, mga tradisyon, mga relihiyon, at mga wika ng mundo, at kung paano at bakit ang mga kalinangang ito ay lumaganap sa buong daigdig. Isang halimbawa ng laganap na kultura ay ang Mundong Arabo: maraming mga bansang pinaninirahan ng mga taong Arabo, mula Moroko sa hilaga-kanluran ng Aprika at nakalagay malapit sa Espanya, hanggang sa Sirya na nakahangga sa Turkiya at Yemen na malapit sa Etiyopiya.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →