Back

ⓘ Kasaysayan ng Europa. Ang Republusyong Industriyal, na nagsimula sa Dakilang Britanya, ang nagpahintulot sa mga tao sa unang pagkakataon na humiwalay mula sa pa ..



Kasaysayan ng Europa
                                     

ⓘ Kasaysayan ng Europa

Ang Republusyong Industriyal, na nagsimula sa Dakilang Britanya, ang nagpahintulot sa mga tao sa unang pagkakataon na humiwalay mula sa pamumuhay na umaasa sa pagsasaka lamang. Nahati ang maagang Imperyong Britaniko dahil sa panghihimagsik ng mga kolonya nito sa Amerika upang maglunsad ng pamahalaang may kumakatawan. Napasigla ng Himagsikang Pranses ang pagkakaroon ng pagbabagong pampolitika sa Europang kontinental, nang humiling ang mga tao ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran. Nasakop at nireporma ng pinunong Pranses na si Napoleon Bonaparte ang kayariang panlipunan ng kontinente sa pamamagitan ng digmaan magpahanggang 1815. Habang parami nang parami ang pagkakaroon ng kakayahang bumoto ng mga maliliit na mga may-ari ng mga ari-arian sa Pransiya at sa Nagkakaisang Kaharian, umunlad ang mga gawaing sosyalista at unyong pangkalakalan at nagkaroon ng mga rebolusyon sa Europa noong 1848. Ang huling mga labi ng pang-aalipin at pagkaalipin ay nabuwag sa Austriya at Unggarya noong 1848. Nabuwag ang pang-aalipin sa Rusya noong 1861. Nagsimulang muling magkaroon ng kalayaan at kasarinlan ang mga bansang Balkano mula sa Imperyong Otomano. Pagkaraan ng Digmaang Pranko-Pruso, nabuo ang Italya at Alemaya mula sa mga pangkat ng mga prinsipalidad noong 1870 at 1871. Nagkaroon ng mga sigalutan sa paligid ng mundo, bilang pagtugis sa mga imperyo, hanggang sa ang paghahanap ng isang pook sa araw ay nagwakas sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa kawalan ng pag-asa sa digmaan, nangako sa mga tao ang Himagsikang Ruso ng 1917 ng "kapayapaan, tinapay, at lupain". Ang pagkatalo ng Alemanya ay dumating kapalit ng pagguho ng kabuhayan ekonomiya, na naisakodigo sa Kasunduan ng Versailles, na napagmasdan sa Masidhing Kapanglawan, at ang pagbabalik papunta sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng digmaang ito, lumaganap ang Komunismo sa Gitna at Silangang Europa, Yugoslabya, Bulgarya, Rumanya, Albanya, Hilagang Biyetnam, at Hilagang Korea. Humantong ito sa Digmaang Malamig, na isang apatnapung-taong pagtatalo sa pagitan ng Estados Unidos, Unyong Sobyet, at ng kanilang mga kapanalig pangunahing mga bansang kasapi sa NATO o sa Pakto ng Warsaw. Bawat bansa ay nais magbunsod ng kani-kanilang uri ng pamahalaan. Gustong ipakalat ng Unyong Sobyet ang komunismo, habang nais ipalaganap ng Estados Unidos ang demokrasya. Natakot ang mga tao sa buong mundo sa pagkakaroon ng digmaang nukleyar dahil sa hidwaang ito.

Naging hindi na gaanong kaakit-akit ang komunismo nang maging maliwanag na hindi ito gaanong epektibo sa pagpapasulong ng kaunlarang pangkabuhayan nang ihambing sa mga estadong Kanluranin at hindi ito nababagay para sa isang reporma o pagbabago na magpapahintulot ng kalayaan sa pagsasalita para sa lahat ng mga tao. Kung gayon, pinuwersa ng Unyong Sobyet sa Unggarya ang pag-ayaw nito na magkaroon ng reporma noong 1956, kung saan mas ninais ang pagtatayo ng Pader ng Berlin noong 1961, at inihinto nito ang reporma sa Czechoslovakia noong 1968. Noong nilinaw ni Mikhail Gorbachev noong 1988 at 1989, na hindi niya pipilitin ang mga bansang nasa Silangang bloke na manatili sa komunismo binuwag ang Pader ng Berlin noong 1989 at gumuho ang Unyong Sobyet noong 1991. At nanatili ang Estados Unidos bilang ang nag-iisang pinaka makapangyarihang bansa o isang superpower. Lumagda ang Europa ng isang bagong kasunduan ng pagkakaisa ang Unyong Europeo, na nagsasama ng 27 mga bansang Europeo noong 2007.

                                     

1. Mga sanggunian

  • Europe: A History, ni Norman Davies, nilathala ng Pimlico, ISBN 0-7126-6633-8
  • European History, ng sari-saring mga may-akda, aklat na nasa Internet sa Wikibooks
  • Illustrated History of Europe, ni Frederic Delouche, nilathala ng Henry Holt & Co ISBN 1-84188-108-2
Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →