Back

ⓘ Sining. Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang i ..



                                               

Direktor

                                               

Tondo

                                               

Barok (paglilinaw)

Maaaring tumukoy ang Barok sa: Si Barok, ang pangunahing karakter sa komiks na iyon; Barok, ang awiting Barok na inawit ni Menggoy Abat na batay din sa komiks; Barok, ang taong nagsasalita na parang taong-bundok; Barok, ang pelikula na batay sa komiks; Barok, ang mga maiikling komiks comic strip na nilikha ni Bert Sarile; Tugtuging Barok, istilo ng musika sa Europa; Arkitekturang Barok Panahong Barok Baroque Istilong Baroque, ang istilo ng sining na kumalat sa Europa;

                                               

Dana Delany

                                               

Palazzo Davia Bargellini, Bolonia

Ang Palazzo Davìa Bargellini ay isang estilong Barokong palasyong matatagpuan sa Strada Maggiore sa sentrong Bolonia, Italya. Kasalukuyan itong tahananan ng Sibikong Museo ng Sining Industiryal at Galeriya Davìa Bargellini, na isang eklektikong koleksiyon ng mga pinta na gawa pati na rin ang inilapat na sining at mapapakinabangang palamuti, na inilarawan bilang mga kahanga-hanga sa matandang Bolonia. Ang mga samut saring koleksiyon ng sining ay naglalaman ng mga seramika, pananamit sa liturhiya, mga susi, ornamental na hawakan ng pinto, mga marionette mula sa teatrong pangkalye, muwebles, ...

                                               

Dōjinshi

Ang Dōjinshi ay isang terminong Hapones na para sa gawang sariling nailathala, kadalasan sa mga ito ay ang mga magasin, mga manga o nobela. Kadalasang ang Dōjinshi ay gawa ng mga bihasa, sumasali rin ang mga propesyonal na artista bilang isang materyal na lathala sa labas ng regular na industriya. Ang salitang dōjinshi ay nanggaling mula sa dōjin at shi. Bahagi ang Dōjinshi ng malawakang kaurian ng dōjin kasama ang, koleksiyong sining, anime, hentai at mga laro. Kadalasang tinatawag ng mga artistang dōjinshi bilang sākuru.

Sining
                                     

ⓘ Sining

Ang sining ay iba’t ibang uri ng pag-likha ng biswal, nadidinig, o kaya isang pag tatanghal na pinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha sa kanyang imahinasyon, malikhang pag iisip, o teknikal na husay na nag-nanais mapahalagahan dahil sa kanilang kagandahan o sa kakahayan nito mag pa antig ng damdamin. Ang mga gawain na ito ay maaring pag likha ng sining, kritisismo ng sining, pag aaral sa kasaysayan ng sining, at ang astetikong paglaganap ng sining

Musika, teatro, pelikula, sayaw at iba pang uri ng pagtanghal kasama narin ang literatura at iba pang uri ng media ay saklaw sa malawak na kahulugan ng sining. Noong ika-17 na siglo, ang sining ay kahit anong kahusayan o kadalubhasaan at di na-iiba sa agham at pag likha. Sa modernong panahanon pag tapos ng ika-17 na siglo, ang sining ay nag bibigay ng malaking pag papahalaga sa astetikong pinapakita nito. Ang pinong sining ay naibuklod sa pandekorasyon na sining.

Bagaman pabago-bago ang kahulugaan at kung ano ang sining, mayroong nanatiling pangkalahatang ideya parin ang nasasabi kasama nito. Ang pagiging malikhain o ang kahusayan na ipinapamalas ng tao. Ang kalikasan ng sining at ang mga ideyang kaugnay dito, pagka-malikhain at interpretasyon ay sinisihayat sa isang sangay ng pilosopiya na tinatawag na estetika.

Ang salitang sining ay ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mga tao na may kahalagahan sa isipan ng tao, na patungkol sa isang pagkaakit sa mga pandama ng tao. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng kanyang sarili. Ilan sa mga sining ay magagamit sa isang diwang praktikal, katulad ng mangkok na putik na ineskultura o inukit na mapaglalagyan ng mga bagay-bagay. Maraming mga tao ang hindi sumasang-ayon sa kung paano bibigyan ng kahulugan ang sining. Maraming mga tao ang nagsasabi na ang tao ay sumusulong na makalikha ng sining dahil sa kanilang panloob na pagkamalikhain. Kabilang sa sining ang pagguhit, pagpipinta, paglililok, potograpiya, sining-pagganap, sayaw, musika, panulaan, prosa, at teatro.

                                     

1. Uri ng sining

Ang sining ay nahahati sa mga plastikong sining, kung saan ang isang bagay ay ginagawa, at sa isinasagawang sining nilapat na sining, kung saan ang isang bagay ay ginagawa ng mga tao sa pamamagitan ng pagkilos. Ang isa pang paghahati ay sa pagitan ng dalisay na sining, na ginawa para sa kanilang mga sarili, at ang praktikal na sining, na ginawa para sa isang praktikal na layunin, subalit mayroong masining na nilalaman.

  • Plastikong sining
  • Panitikan: panulaan, malikhaing pagsusulat sining sa malikhaing pagsulat
  • Pinong sining, isang pagpapadama sa pamamagitan ng pagpapaganda o upang maging kaakit-akit o kahali-halina ng isang bagay sa mga emosyon o damdamin sa pamamagitan ng mga paraang mapagmamasdan o biswal: katulad ng pagguhit, pagpipinta, pagbabakat at pagtatatak ng disenyo, at paglililok
  • Nadidinig na sining, na naipapadama sa pamamagitan ng paglikha ng mga tunog: musika, pagkanta
  • Isinasakatuparang sining na kinabibilangan ng drama, na pagpapadamang ginagamit ang katawan: sayaw, pag-arte, pag-awit
  • Isinasagawa o itinatanghal na sining
  • Praktikal na sining
  • Ang praktikal na sining na nagpapadama sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay at mga kayarian: arkitektura, pelikula, moda, potograpiya, mga larong bidyo
  • Kulinaryong sining, pagpapadama ng mga pampalasa at mga lasa: pagluluto
                                     

2. Makasining

Ang Makasining na salita ay alternatibong kapalit sa salitang "alagad ng sining" ayon sa may akda at may akda ng "Buhay na Obra", "Sining: Ang pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan" at "Tatlong Kabahagian ng Kalikasan" na kilalang pintor at manunulat na si Elito Circa, dagdag pa nila ang ilang katangian bilang makasining: May pagmamahal sa Diyos, May pagmamahal sa kalikasan, May pagmamahal sa bansa at sa bayan, May pagpapahalaga sa damdamin ng kapwa, May bait at disiplina, May pilosopiya at paninindigan.

Nalathala ang salitang "Makasining" sa mga akda at sulatin ng kilalalang pintor kasama na rito ang pagpapangalan sa lupon ng mga alagad ng sining tulad ng "Samahang Makasining Artist Club, Inc." na nakarehistro sa Security and Exchange Commission SEC at kinilala ng National Commission for Culture and the Arts noong toang 1997.

Panggabing Kalagayan ng Kalooban
                                               

Panggabing Kalagayan ng Kalooban

Ang Panggabing Kalagayan ng Kalooban, maaari ring Panggabing Kalagayan, Panggabing Kalooban, o Panggabing Panagano ay isang alegorikal na dibuho o larawang ipininta na nilikha ng alagad ng sining na si William-Adolphe Bouguereau noong 1882. Ang ipinintang larawang ito ay bahagi ng kalipunan ng sining na pandaigdigan ng Museo ng Pinong Sining ng Habana, sa Cuba.

Palazzo Riso
                                               

Palazzo Riso

Ang Palazzo Riso, o RISO, Museo dArte Contemporanea della Sicilia, ay isang pang-rehiyon na museo ng kontemporaneong sining na matatagpuan sa sinaunang Corso Vittorio Emanuele, Palermo, Italya.

Basilica de la Merced
                                               

Basilica de la Merced

Ang Basilica de la Merced ay isang basilikang matatagpuan sa Santiago, Tsile. Itinatag ito ng Orden ng Mahal na Birheng Maria ng Awa at itinayo noong 1795. Ito ay isang Pambansang Monumentong Chileno. Ito ay Neo-Renaissance na arkitektura at may isang maliit na museo na may mga relihiyosong bagay at sining, kasama ang isang koleksiyon ng mga piraso mula sa Pulo ng Pascua. Kasama sa koleksiyon ang isang tabletang rongorongo, isa sa 29 na natitira sa mundo.

                                               

Louise Pershing

Ang gawa ni Pershing, ang Coal Tipple ay nagtamo ng Margaret Cooper Prize sa ika-45 Taunang Pagpapakita ng National Association of Women Painters and Sculptors noong 1936.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →