Back

ⓘ Kasaysayan. Tungkol ito sa kasaysayan bílang sa nakaraan. Para sa kuwentong makabuluhan, pumunta sa Salaysay. Tumuturo dito ang historya. Para sa istorya, pumun ..



                                               

S.S. Lazio

Ang Società Sportiva Lazio, karaniwang tinutukoy bilang Lazio, ay isang Italyanong propesyonal na sports club na nakabase sa Roma, na kilala sa koponang futbol nito. Ang samahan, na itinatag noong 1900, ay naglalaro sa Serie A at ginugol ang karamihan ng kanilang kasaysayan sa nangungunang nibel ng futbol ng Italya. Ang Lazio ay naging kampeon ng Italya nang dalawang beses, at nanalo ng Coppa Italia nang pitong beses, sa Supercoppa Italiana nang tatlong beses, at kapuwa ang UEFA Cup Winners Cup at UEFA Super Cup sa isang pagkakataon.

                                               

Santa Maria Maggiore, Bergamo

                                               

Piazza della Repubblica, Roma

Ang Piazza della Repubblica ay isang pabilog na piazza sa Roma, sa tuktok ng Burol Viminal, sa tabi ng estasyon ng Termini. Dito matatagpuan ang Santa Maria degli Angeli e dei Martiri. Pinaglilingkuran ito ng estasyong Repubblica - Teatro dellOpera Metro. Mula sa plaza ay nagsisimula ang isa sa mga pangunahing kalye ng Roma, sa Via Nazionale.

                                               

San Giuseppe dei Ruffi

Ang San Giuseppe dei Ruffi o simbahan ng San Giuseppe dei Ruffo ay isang simbahan na matatagpuan sa piazzetta San Giuseppe dei Ruffi, sa Napoles, Italya.

                                               

Monti (rione ng Roma)

Ang Monti ay ang unang rione ng Roma, na kinilala ng inisyal na R. I, na matatagpuan sa Municipio I. Ang pangalan ay literal na nangangahulugang "bundok" sa Italyano at ito ay dahil ang mga burol Esquilino, Viminal, at mga bahagi ng Quirinal at Celio ang bahagi ng r ione na ito. Sa kasalukuyan, ang Burol Esquilino ay kabilang na sa Rione Esquilino. Ang eskudo de armas ay binubuo ng tatlong berdeng bundok na may tatlong tuktok sa isang pilak na likuran.

                                               

Accademia Nazionale di Santa Cecilia

Ang Accademia Nazionale di Santa Cecilia ay isa sa pinakalumang institusyong pangmusika sa buong mundo, na itinatag ng bulang pampapal Ratione congigu, na inilabas ni Sixto V noong 1585, na nanawagan sa dalawang santo na kilalang-kilala sa kasaysayan ng musika sa Kanluranin: si Gregorio ang Dakila, kung kanino pinangalanan ang awiting Gregoriano, at si Santa Cecilia, ang patron ng musika. Mula noong 2005 ang naging punong-tanggapan nito ay Parco della Musica sa Roma na idinisenyo ni Renzo Piano. Ito ay itinatag bilang isang "kongregasyon", o "konfraternidad", at sa paglipas ng mga siglo ay ...

Kasaysayan
                                     

ⓘ Kasaysayan

Tungkol ito sa "kasaysayan" bílang sa nakaraan. Para sa kuwentong makabuluhan, pumunta sa Salaysay. Tumuturo dito ang historya. Para sa istorya, pumunta sa Kuwento.

Ang kasaysayan o historya ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano ito nakaaapekto sa mga tao sa kasalukuyan. Ito ay ginagamit bílang isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyon tungkol sa nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". Kapag ginagamit bílang pangalan ng isang pinag-aaralang larangan, tinutukoy ng kasaysayan ang pag-aaral at pagpapaliwanag ng mga nakatalang lipunan ng tao, mga panayam, at arkeolohiya. Ito ay isang umbrella term na may kinalaman sa mga nakaraang pangyayari gayundin ang mga alaala, tuklas, koleksiyon, organisasyon, presentasyon, at interpretasyon ng impormasyon tungkol sa mga pangyayaring ito. Ang mga iskolar na nagsusulat ng kasaysayan ay tinatawag na "historyador". Ang mga pangyayaring naganap bago ang mga nakasulat na talâ ay tinuturing na prehistoriko.

Ang mga kuwento na karaniwan lámang sa iisang kultura, ngunit hindi suportado ng mga batayang panlabas tulad ng mga salaysay tungkol kay Haring Arturo ay kadalasang inuuri lámang bílang cultural heritage o alamat, dahil hindi ito nagpapakita ng "walang pag-iimbot na pagsisiyasat" Ingles: "disinterested investigation" na kailangan ng disiplinang kasaysayan. Si Herodotus, isang ika-5 dantaong BC na Griyegong historyador, ay itinuturing sa tradisyong Kanluranin bílang Ama ng Kasaysayan", kasáma ang kontemporaryong nitong si Thucydides, ang pangunahing tumulong upang mabuo ang salig ng makabagong pag-aaral ng kasaysayan ng tao. Ang mga gawa nila ay patuloy na binabása hanggang ngayon, at ang puwang sa pagitan ng nakapokus sa kulturang si Herodotus at sa nakapokus sa militar na si Thucydides ay nananatiling point of contention o approach sa makabagong pangkasaysayang pagsusulat.

Maaaring mga ibang paraan ang karaniwang ginagawa sa ilang panahon kaysa sa iba, at may mga uso ang pag-aaral sa kasaysayan tignan historiograpiya. Tinatawag na bago ang kasaysayan ang mga pangyayaring bago Kadalasang sinasabi na nababalutan ng kaalaman sa kasaysayan ang parehong kaalaman sa nakaraang pangyayari at makakasaysayang pag-iisip na kasanayan, dahil:

  • Nakatutulong upang malutas o lutasin ang kasalukuyang suliranin.
  • Nakatutulong upang malinang ating kasanayan at kaasalan.
  • Nakatutulong sa paghahanda para sa hinaharap.
  • Nalilinang ang pakikipagkapwa.
                                     

1. Historical method

Ang historical method ay binubuo ng mga pamamaraan at patnubay kung paano ang mga historyador ay gumagamit ng mga primary source at iba pang katunayan para magsaliksil at magsulat ng kasaysayan.

Si Herodotus ng Halicarnassus 484 BC – ca.425 BC

                                     

2. Etimolohiya

Ang salitang "historya" ay mula sa salitang Griyego na historia, na ang ibigsabihin ay "inkuwiri", "kaalamang nakukuha mula sa imbestigasyon" o "hukom". Sa Tagalog, ang "kasaysayan" ay nagmula sa salitang-ugat na "saysay" na kasingkahulugan ng "kuwenta" o "halaga", dahil ito ang pag-aaral sa "kuwenta" o "halaga" ng mga pangyayari sa nakaraan.

                                     

3. Historiko at Prehistoriko

Ang kasaysayan ng mundo ay ang alaala at mga homo sapiens sa buong daigdig, dahil ang mga karanasang ito ay naipreserba at naitalâ ng mga historyador at mga karnaiwang tao. Sa kabiláng banda, ang mga "prehistoriko" na mga pangayayari ay ang nagmula sa pagbawi ng mga kaalaman ng nakaraan kung saan walang mga kasulatan at naitalâ, o kung saan ang pagsulat ng isang kultura ay hindi ma-decipher. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga pinta, guhit, nililok, at iba pang mga artepakto, may mga impormasyon na narerekober sa kabila ng kawalan ng mga nakasulat na talâ. Buhat noong ikadalawampung siglo, ang pag-aaral ng prehistori ay itunuturing na mahalaga upang maiwasan ang hindi sinasadyang eksklusyon ng ilang mga kabihasnan.

                                     

4. Pagkiling bias

Sa karamihan ng mga bansa, ang mga pangkasaysayang teksbuk ay ginagamit ng instreumento upang buhayin ang nasyonalismo at patriotismo.

Sa karamihan din ng mga bansa, ang mga pangkasaysayang teksbuk ay iniisponsor ng pambansang pamahalaan at isinusulat nang nakasensor at kadalasay ipinakikita lámang ang mga kabutihang inambag ng bansa nito sa kasaysayan. Halimbawa, sa bansang Hapón, hindi binabanggit ang Masaker sa Nanking sa mga teksbuk at ang buong Ikalawang Digmaang Pandaigdigis ay pahapyaw lang na itinuturo. Naging polisiya rin sa mga bansang komunista na ipresenta lámang ang rigid na Marxist historiography. Sa ika-21 siglong Alemanya, ang kurikulum ng kasaysayan ay kinokontrol ng labing-anim na estado, at mailalarawang "almost pacifistic and deliberately unpatriotic undertone" at sumasalamin sa "principles formulated by international organizations such as UNESCO or the Council of Europe, thus oriented towards human rights, democracy and peace." at hindi ng superpatriotism. Ang resulta ay "German textbooks usually downplay national pride and ambitions and aim to develop an understanding of citizenship centered on democracy, progress, human rights, peace, tolerance and Europeanness."

RailsWest Railroad Museum
                                               

RailsWest Railroad Museum

Ang RailsWest Railroad Museum ay isang riles ng tren museo na pinatatakbo ng Historical Society of Pottawattamie County sa 16th Avenue at South Main Street at naglalarawan ng kasaysayan ng mga riles ng tren sa Council Bluffs, Iowa. Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

San Domenico, Palermo
                                               

San Domenico, Palermo

Ang Simbahan ng Santo Domingo Italyano: Chiesa di San Domenico o simpleng San Domenico ay isang simbahan sa Palermo, Sicilia, katimugang Italya. Matatagpuan ito sa Piazza San Domenico, sa sangkapat ng La Loggia, bahagi ng makasaysayang sentro ng lungsod. Ang simbahan ay kinaroroonan ng mga puntod ng maraming mga personalidad ng Sicilianong kasaysayan at kultura. Dahil dito, kilala ito bilang "Pantheon ng mga Bantog na Siciliano".

Arco del Meloncello, Bolonia
                                               

Arco del Meloncello, Bolonia

Ang Arco del Meloncello ay isang ika-18 siglong estrukturang Rococo sa Bolonia, na bumubuo ng isang pedestrian portico sa kalsada ; bahagi ito ng Portico di San Luca, isang mahabang arcade na silong sa paglalakad mula sa Katedral ng Bolonia hanggang sa libis ng Santuario ng San Luca, Bolonia. Lagpas ito ng tarangjahang Porta Saragozza, sa labas ng dating pader ng lungsod ng Bolonia.

Mnet (telebisyong tsanel)
                                               

Mnet (telebisyong tsanel)

Ang Mnet ay isang telebisyon ng musika at nakatuon sa channel ng kabataan sa South Korea na pag-aari ng CJ E&M, isang dibisyon ng CJ Group. Ang CJ E&M Center Studio na matatagpuan sa Sangam-dong, Mapo-gu, Seoul ay ang broadcast at recording center ng maraming mga programa sa Mnet na may isang madla sa studio, lalo ang live na lingguhang palabas sa musika na M! Countdown.

Simbahan ng San Juan Bautista, Stamford
                                               

Simbahan ng San Juan Bautista, Stamford

Ang Simbahan ng San Juan Bautista ay isang redundant na simbahang Anglikano sa sentro ng bayan ng Stamford, Lincolnshire, Ingaltera. Ito ay naitala sa Pambansang Pamanang Talaan para sa Inglatera bilang Grade I listed building, at nasa ilalim ng pangangalaga ng Chapters Conservation Trust.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →