Back

ⓘ Sikolohiya. Ang sikolohiya ay ang agham ng isip at ugali. Kalakip sa sikolohiya ang pag-aaral ng kababalaghang may malay at walang malay, pati na rin ang damdam ..



                                               

Eskatolohiya

Sa medisina at biyolohiya, ang eskatolohiya o koprolohiya ay ang akademikong pag-aaral ng mga tae at dumi. Nakakatulong ang mga eskatolohikal na pag-aaral sa pagtukoy ng isang malawak na hanay ng impormasyong biyolohikal tungkol sa mga nilalang, kabilang ang diyeta nito, lugar na pinanggalingan, kalusugan at mga sakit tulad ng mga bulati. Ang isang komprehensibong pag-aaral sa eskatolohiya ay dokumentado ni John Gregory Bourke sa ilalim ng pamagat na Scatalogic Rites of All Nations 1891. Ang isang pinaikling bersyon ng akda na may paunang salita ni Sigmund Freud, ay nailathala bilang The P ...

                                               

Yolanda Sanchez

Si Yolanda Sanchez ay isang Cubano-Amerikanong artista, propesor, at direktor ng fine arts para sa programang sining sa Miami International Airport. Kilala siya sa di-matalinhagang, abstrakto, ekspresyonistang uri ng pagpipinta. Si Sanchez ay kasalukuyang naninirahan sa Miami, Florida kung saan siya ay nagpipinta at nagtatrabaho para sa international airport ng Miami.

                                               

Laura Schiff Bean

Si Laura Schiff Bean, ipinanganak sa estado ng New York, ay isang napapanahon na visual artist. Bago naging isang career artist, nakakuha siya ng degree sa sikolohiya mula sa George Washington University at pagkatapos ay nagtrabaho sa print advertising sa Boston, MA. Upang makuha ni Laura Schiff Bean ang kanyang Masters in Fine Arts, nagtapos siya sa School of the Museum of Fine Arts at Tufts. Ang kanyang inspirasyon ay nagmula sa mga artista tulad nina Lucien Freud, Jenny Saville, at Jim Dine. Kilala si Bean "sa kanyang damit na mga larawan na pininturahan ng maraming mga layer ng makapal ...

                                     

ⓘ Sikolohiya

Ang sikolohiya ay ang agham ng isip at ugali. Kalakip sa sikolohiya ang pag-aaral ng kababalaghang may malay at walang malay, pati na rin ang damdamin at pag-iisip. Isa itong disiplinang pang-akademya na may napakalaking saklaw. Hinahangad ng mga sikologo ang pagkaunawa ng mga lumilitaw na katangian ng mga utak, at lahat ng sari-saring kababalaghan na konektado sa mga lumilitaw na katangian na iyon, at sa ganitong paraan, sumasali sa mas malawak na neuro-siyentipikong grupo ng mga mananaliksik. Bilang isang agham panlipunan, nilalayon nitong intindihin ang mga indibidwal at grupo sa pagtatatag ng mga pangkalahatang prinsipyo at pagsasaliksik ng mga tiyak na kaso.

Sa larangang ito, ang isang propesyonal o mananaliksik, ay tinatawag na sikologo nagiging sikologa kung babae na maaaring uriin bilang isang siyentipikong panlipunan, pampag-uugali, o pampagtalos. Sinisikap ng mga sikologo na unawain ang papel ng pag-aandar ng kaisipan sa ugali ng indibidwal at ugali sa lipunan, habang sinisiyasat din ang mga prosesong pisyolohikal at biolohikal na pinagbabatayan ng mga kognitibong pag-aandar at pag-uugali.

Sinasalisik ng mga sikologo ang pag-uugali at mga proseso ng utak, kabilang dito ang pagdama, kognisyon, pansin, damdamin, katalinuhan, mga pangkaraniwang karanasan, kaganyakan, paggana ng utak, at personalidad. Kasama rin dito ang ugnayan ng mga tao, gaya ng mga kaugnayan sa iba, at kasama rito ang katatagang sikolohikal, katatagan ng pamilya, at iba pang mga larangan. Kinokonsidera rin ng mga sikologo ng ibat ibang oryentasyon ang walang-malay na isipan.

Ginagamit ng mga sikologo ang mga pamamaraang empiriko para maghinunha ng mga ugnayang kawsal at korelasyonal sa pagitan ng mga baryableng sikososyal. Bilang karagdagan, o bilang salungat, sa paggamit ng mga pamamaraang empiriko at deduktibo, ang ilang sikologo - lalo na ang mga sikologo sa klinika at pagpapayo - ay tumitiwala minsan sa interpretasyon ng simbolo at iba pang mga pamamaraang induktibo. Nailarawan ang sikolohiya bilang isang hub science sentro ng agham anupat may kaugaliang sumangguni ang medisina ng sikolohikal na pagsasaliksik sa pamamagitan ng neurolohiya at sikiyatriya, habang ang pinakakaraniwang sinasangguni ng mga agham panlipunan ay mga subdisiplina sa loob ng sikolohiya.

Habang kadalasang nilalapat ang kaalamang sikolohikal sa pagtatasa at paggamot ng mga problema sa kalusugan ng isip, nakadirekta rin ito patungo sa pag-uunawa at paglulutas ng mga problema sa iilang pitak ng mga aktibidad ng tao. Ayon sa maraming salaysay, ang sikolohiya sa huli ay naglalayong maging kapaki-pakinabang sa lipunan. Kasangkot ang karamihan ng mga sikologo sa isang uri ng tungkulin sa terapiya, na nagpapraktis sa mga tagpuang klinikal, pampayo, at pampaaralan. Nagsasaliksik ang marami ng ibat ibang paksa na may kinalaman sa mga proseso ng utak at pag-uugali, at karaniwang nagtatrabaho sa mga kagawaran ng sikolohiya sa mga unibersidad o nagtuturo sa mga iba pang tagpuang pang-akademiko hal. mga paaralang medikal, ospital. Nagtatrabaho ang ilan sa mga tagpuang pang-industriya at pang-organisasyon, o sa mga iba pang larangan tulad ng pag-unlad ng tao at pagtatanda, palakasan, kalusugan, at midya, pati na rin sa porenseng pagsisiyasat forensic investigation at ibang aspeto ng batas.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →