Back

ⓘ Kalinangan. Ang kultura o kalinangan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang kaparaanan ng mga tao sa b ..



                                               

Inang reyna

Ang isang inang reyna ay isang reynang biyuda ina ng isang namamayaning monarko. Ginagamit ang katawagan nito sa Ingles na queen mother simula pa noong hindi bababa sa 1560. Lumitaw ito sa mga minamanang monarkiya sa Europa at ginagamit ito upang isalarawan ang ilang katulad ngunit naiibang mga konsepto sa hindi Europeong kalinangan sa buong sanlibutan. Kadalasang tumutukoy Ang Inang Reyna" o The Queen Mother" sa Ingles kay Reynang Elizabeth Ang Inang Reyna, ina ni Reyna Elizabeth II.

Kalinangan
                                     

ⓘ Kalinangan

Ang kultura o kalinangan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Ibat iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa ibat ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa. Makikita ang 164 kahulugan ng "kultura" sa isang talaan sa Culture: A Critical Review of Concepts and Definitions nina Alfred Kroeber at Clyde Kluckhohn na nilimbag noong 1952.

                                     

1. Pinagmulan

Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang Latin: na cultura na may literal na kahulugang "kultibasyon" o "paglilinang". Ang kalinangan ay isang katagang may maraming ibat ibang magkakaugnay na mga kahulugan. Subalit, ang salitang ito ay pinaka pangkaraniwang ginagamit sa tatlong payak na mga diwa:

  • Isang binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao na nakabatay sa kakayahan para sa masagisag na pag-iisip at pagkatutuo ng pakikipagkapwa
  • Ang pagkakaroon ng matanging panlasa sa mga pinong sining at araling pantao, at tinatawag ding mataas na kalinangan
  • Isang pangkat ng pinagsasaluhang mga ugali, pagpapahalaga, mga layunin, at mga gawain na nagbibigay ng katangian sa isang institusyon o panimulaan, organisasyon, o pangkat.

unang lumitaw ang konsepto o diwa noong ika-18 at ika-19 daantaon sa Europa, may pahiwatig ito bilang isang proseso ng paglilinang ng halaman o pagpapainam, katulad ng agrikultura o hortikultura. Noong ika-19 daantaon, ito ay naging tumutukoy muna sa pag-inam o pagpino o pagdalisay ng isang indibidwal, natatangi na sa pamamagitan ng edukasyon, at pagkaraan ay tumukoy na sa pagsasakatuparan ng nasyonalismo, katulad ng mga adhikain o mga mithiing pambansa. Noong kalagitnaan ng ika-19 daantaon, ilang mga siyentipiko ang gumamit sa katagang "kultura" upang tukuyin ang isang pandaigdigang kakayahan ng tao. Para kay Georg Simmel, isang sosyologong Aleman na hindi positibista, ang kalinangan ay tumutukoy sa "ang paglilinang ng mga indibidwal sa pamamagitan ng ahensiya ng panlabas na mga anyo na dumaan sa obhetipikasyon sa loob ng kurso ng kasaysayan".

Noong ika-20 daantaon, umahon ang "kalinangan" bilang isang diwa na nakapagitna o naging pangunahin sa larangan ng antropolohiya, na nagsasangkot ng lahat ng mga kababalaghan o penomenong pantao na hindi puro mga kinalabasan ng henetika ng tao. Katulad ito ng katagang "kultura" sa antropolohiyang Amerikano na may dalawang kahulugan: 1 ang umunlad na kakahayan ng tao upang uri-uriin at katawanin ang mga karanasan sa pamamagitan ng mga sagisag, at gumalaw na may imahinasyon at malikhain; at 2 ang namumukod-tanging mga kaparaanan ng tao na namumuhay sa ibat ibang mga bahagi ng mundo na nag-uri at kumatawan sa kanilang mga karanasan, at kumilos na ayon sa pagiging malikhain nila. Pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang katawagan ay naging napakahalaga, bagaman mayroong dalawang magkaibang mga kahulugan, sa ibang mga disiplinang katulad ng araling pangkalinangan, sikolohiyang organisasyonal, ang sosyolohiya ng kalinangan at araling pampamamahala.

                                     

2. Etimolohiya

Ang etimolohiya ng makabagong katagang "kultura" may simulaing klasikal. Sa wikang Ingles, ang salitang "kultura" ay ibinatay sa isang katagang ginamit ni Cicero, mula sa kanyang Tusculanae Disputationes Tuskulanong Pagmamatuwiran, kung saan siya nagsulat ng paglilinang ng kaluluwa o "cultura animi", kung kayat gumamit ng isang metapor na pang-agrikultura upang ilarawan ang pag-unlad ng isang kaluluwang makapilosopiya, na naunawaan sa teolohiya bilang isang nag-iisang likas at pinakamataas na maaaring adhikain para sa kaunlarang pantao. Ginamit ni Samuel Pufendorf ang talinghagang ito sa isang makabagong diwa, na may kahalintulad na kahulugan, ngunit hindi na hinihinala na ang pilosopiya ang likas na perpeksiyon ng tao. Ang paggamit na ito ni Pufendorf, at ng iba pang maraming mga manunulat pagkaraan niya, may ganitong pagpapaliwanag: na ang kalinangan ay "tumutukoy sa lahat ng mga paraan na ginagamit ng tao upang mapagtagumapayan ang kanilang simulain may barbarismo, at sa pamamagitan ng katalinuhan, karunungan, at kasanayan, ay maging talagang tao".

Ayon sa paglalarawan ni Velkley:

Ang katagang "kalinangan," na sa simula ay nangangahulugang paglilinang ng kaluluwa o isipan, ay nagkamit ng karamihan sa makabagong mga kahulugan nito sa bandang huli magmula sa mga sulatin ng mga mapag-isip na Aleman noong ika-18 daantaon, na sa samut saring mga antas ay nagpaunlad sa kritisimo ni Rousseau ng modernong liberalismo at Pagpapaliwanag. Kayat may pagkakaiba sa pagitan ng "kultura" at "kabihasnan" mula sa mga may-akdang ito, kahit na ipinadarama bilang ganyan. Ang dalawang pangunahing mga kahulugan ng kalinangan ay lumitaw magmula sa kapanahunang ito: ang kalinangan bilang isang espiritu ng taumbayan na may natatanging katauhan; at ang kultura bilang paglilinang na papaloob o papunta sa loob ng sarili, o paglilinang ng indibidwalismong malaya. Ang unang kahulugan ay nangingibabaw sa pangkasalukuyang paggamit ng katagang "kultura", bagaman ang pangalawa may ginaganapan pa rin na isang malaking gampanin sa naiisip natin bilang kung ano ang dapat makamtan ng kalinangan: ang buong "pagpapadama" ng pagkanatatangi ng "totoo" o "tunay" na sarili.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →