Back

ⓘ Pagkakaibigan sa salungat na kasarian. Ang isang pagkakaibigan sa salungat na kasarian ay isang platonikong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawang taong walan ..



                                     

ⓘ Pagkakaibigan sa salungat na kasarian

Ang isang pagkakaibigan sa salungat na kasarian ay isang platonikong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawang taong walang relasyon. May maraming uri ng pagkakaibigan sa salungat na kasarian, nabibigyan kahulugan ang lahat ng kung ang bawat partido ay mayroon o walang romantikong atraksyon sa bawat sa isa, o nauunawaan na may interes ang isa. May ilang teorya ang nalikha upang ipaliwanag ang pagkakaroon ng ganoong pagkakaibigan. May mga pananaliksik ang nagawa kung bakit nagsisimula ang mga kalalakihan at kababaihan ng mga ganoong pakikipagrelasyon, paano sila nakikita ng iba, ang mga implikasyon sa mga bata ng pagkakaibigan sa salungat ng kasarian, bukod sa iba pa. Nakakalikha din ng mga suliranin ang pagkakaibigan sa salungat na kasarian para doon sa mga nasangkot kung alinman o pareho sa kanila ang nagkaroon ng kahit anumang romantikong nararamdaman para sa isat isa.

                                     

1. Pinagmulan

May malaking ginagampanan ang pagkakaibigan sa salungat na kasarian sa mga ugnayang panlipunan ng parehong kalalakihan at kababaihan. Maaring magkaroon ng mga komplikasyon dahil sa potensyal na romansa o interaksyong sekswal. Binibigyan ni Monsour 2002 ang isang pagkakaibigan sa salungat na kasarian bilang isang "boluntaryo, di-pampamilya, di-romantiko, pakikipagrelasyon sa pagitan ng isang babae at isang lalaki kung saan minamarkahan ng parehong indibiduwal ang kanilang asosasyon bilang isang pagkakaibigan." Bagaman, hindi maaring ipalagay na walang romantiko o sekswal na tagong palatandaan dahil lamang namarkahan ang relasyon bilang hindi romantiko.

Free and no ads
no need to download or install

Pino - logical board game which is based on tactics and strategy. In general this is a remix of chess, checkers and corners. The game develops imagination, concentration, teaches how to solve tasks, plan their own actions and of course to think logically. It does not matter how much pieces you have, the main thing is how they are placement!

online intellectual game →